//
happy reading! =)
family, relationships

Dumadahilan? Ako yan.


Hindi ako natulog nung Friday night. Hindi ko alam kung dahil ba masyado akong excited kasi dadating ang daddy ko ng Saturday 4am, at kami ng mommy ko ang susundo sa kanya, or, dahil sanay na lang ba talaga ako ng hindi natutulog ng maaga.

Matapos ang isang taon, umuwi ulit ang daddy ko galing San Francisco. Buti na lang, mabait yung employer niya at pinapayagan siyang umuwi once a year. Sabi nga ng karamihan ng kilala ko, maswerte pa daw kami kasi nakikita pa namin si dad, hindi tulad ng iba na 48 years na bago pa nila masilayan ang mga magulang nila na nagtra-trabaho sa abroad.

Magkukwento ako. One-year old pa lang ako, umalis na si dad papuntang Amerika. Doon nangarap na makatungtong sa “greener pastures” na sinasabi nila. Imagine, 23 na ako ngayon… 22 years na palang nakikipagsapalaran si dad sa States. Nung umalis siya para magtrabaho dun, kasabay nito ang pagtanggap ni mommy sa pinaka-challenging na trabaho evah – ang palakihin ang mga junakis nila ni dad na single-handedly.

Hindi biro ang magpalaki ng mga anak ng mag-isa ka lang. Alam ko yung worries ni mommy na malamang sa malamang eh nasa kanya lahat ng sisi kung sakaling may hindi magandang mangyari sa akin, kay Katrina o kaya kay JC. Maraming Pontio Pilato ang pagpapaliwanagan ng nanay ko, at hindi rin naman pwedeng lahat yun ay isa-isa siyang magli-litanya ng kanyang reasons.

Kaya ganoon na lamang ang worry ni mom everytime na aalis ako or may pupuntahang malayong lugar. Just last week, nung nagpunta ako sa Mt. Pinatubo with people I barely knew, eh halos ma-praning siya. Ang masaklap pa nito, wala palang signal sa bundok na yun, so alam ko na deads ako pag-uwi. (Pero buti na lang hindi kasi naunahan ko na siya with a big smile, sabay sigaw na “ANG DAMI KONG KWENTO, PRAMIS!! 😀 ) Naiintindihan ko naman kung bakit over-protective si mommy, pero minsan aaminin ko na naiinis ako sa pagiging makulit at matanong niya. >_<

 

Banat ng mga nanay: “Wala akong hinangad na masama para sa’yo.” (Photo by Santino del Castillo)

May moments na pakiramdam ko eh masyado akong bine-beybi ni mommy. Lagi ko siyang hinihiritan ng favorite line ko na “Mom, I’m 23! Don’t tell me when I turn 3o, you’d still be like this??” Sabi ng lola ko and ni dad, huwag ko na daw pansinin si mommy kapag dinra-dramahan niya ako ng ganun. Tawanan ko na lang daw. So ako naman, feeling ko nakahanap ako ng kakampi kay dad.

At ngayon, at this very moment, may tampo sa akin ang mommy ko. Hehe. Napa-sobra yata yung sumbong naming magkakapatid (or ako lang?) na masyadong “old school” si mom. Kinausap ako ni mommy earlier this morning para sabihin sa akin na wala siyang hinangad na masama para sa akin, at pasensya na daw kung masyado siyang over-protective. Kaya lang daw kasi, pagdating ng April 16 na babalik na si dad sa US, si mommy nanaman daw ang in-charge sa lahat ng worries niya when it comes to protecting us.

Wag ko daw masamain.

 

When in fact, ako pa nga ang nag-masama sa intentions niya. Sa reasons niya kung bakit siya ganun. Kung bakit madalas kami mag-clash.

 

Sabi ng kaibigan ko na si Jey-Anne, “when can we ever get used to these lines ng mga mudra natin?” Sumang-ayon ako sa sinabi niya. Pero what is ironic is the fact that we always get irritated when our parents nag at us, but later on we realize how their words echo so loud… na sa sobrang lakas mapapa-isip ka na nga lang na akala mo alam mo na lahat, pero hindi pala. Ending? Magi-guilty ka kasi alam mo na bilang anak, mali ka. At darating lang ang panahon na masasabi ko na tama si mom sa lahat ng sinasabi niya kapag naging nanay na din ako.

At 23, madami pa akong hindi alam… na kahit 30 years old na yata siguro ako eh hindi ko pa matututunan lahat.

 

Peace, ma. (Photo by Santino del Castillo)

Eto yung mga panahon na kinakailangan talaga magpakakumbaba. Hello, nanay ko yan eh. 😉

 

TYVM:

Jey Anne Seneres – hey soul sister. 😀

 

P.S.

So, good luck na lang sakin mamaya pag-uwi ko sa bahay. 🙂 Babalitaan ko kayo, haha. 😀


Final P.S. and TYVM:

When you find yourself beginning to feel a bond between yourself and the people you photograph, when you laugh and cry with their laughter and tears, you will know you are on the right track.

Special request: tagalog entry daw, testing lang. O eto na.

Buti na lang nagpunta ka ng Binondo at UP. Bandera much again. Kumusta mo ko ke anaknijuanD. 😉

Isang mahabang thaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaankkk yoooooooouuuu kay Santino del Castillo.

 

*****

All photos by Santino del Castillo.

🙂

 

Advertisements

About halfblotprincess

i teach: kids with special needs. i write: 3 things - for fun, for living, fo sho! =)) i read: whatever i can find in the library and at home. if nothing interests me, there's always the bookstore to satisfy my needs. =) i am a: certified crammer. i will: give this blog a shot and see where it takes me.

Discussion

8 thoughts on “Dumadahilan? Ako yan.

  1. Dahil Tagalog ang sinulat mo dito, Tagalog din ang ilalagay kong komento…(sandali lang,dumudugo na agad ang ilong ko…hahaha!)

    Masasabi kong hindi nalalayo sa iyong karanasan ang nararanasan ko sa aming bahay…Mukhang mas malala pa nga ang lagay ko, kasi kami nalang talaga ng aking ina ang magkasama ng Lunes hanggang Biyernes..Dadalwa na nga lang kami, pero bangayan pa rin minsan, dahil talaga namang nakakairita at nakakasawa rin yung palagi ka nalang napupuna, napapagsabihan at napapag initan…Pero kahit naman anong gawin mo, makikita at makikita mo rin naman ang punto nila..Wala tayong magagawa, nanay sila eh..Kahit gaano pa siguro tayo katalino, kahit gaano na tayo katanda, hindi natin maikakaila na talagang mas marami silang alam kesa satin…

    Sa mga nanay na makakabasa nito, mahal namin kayo kahit gaano pa kami katopaking mga anak nyo..

    (kelangan na ata ako magpa ospital, duguang duguan na ako dito..wahahaha..)

    Posted by rizzaboi23 | March 28, 2011, 3:44 pm
  2. good girl!!! super love ka lang ni mommy mo, kaya ganun, ganun tlaga cguro ang mga nanay!!! be good always! abu!

    Posted by Jen Manalo | March 29, 2011, 11:32 am
  3. Just replying to your comment on my blog. Isn’t that the whole point of it? After you get past the physical attraction, you wanted to know if there’s more than that. Otherwise we’re just going to keep wondering what could have been?

    Thanks for the comment 🙂 appreciate it. If you have facebook or twitter(@uberesque)..add me 🙂

    Posted by Ryan Reyes | March 30, 2011, 9:55 am
    • true! well some girls value more of the intellectual and humor connection. the physical attraction, well, let’s say it’s like getting a bonus. 🙂 wishful thinking, but wouldn’t it be nice if both parties are just willing to defy gravity and just ask away cut to the chase, just to confirm or negate if you two would go on a 2nd date? 🙂

      unfortunately, twitter hasn’t reached my sanity yet. 🙂 i have facebook though, but having trouble finding your username. haha.

      Posted by halfblotprincess | March 30, 2011, 10:23 am
      • Exactly why I asked her…I wanted to know if it is more than just the physical attraction. Like I said, I’m more into the personality then everything else comes next basically..

        For FB just type in Ryan Reyes…or If you want I can search you instead..

        Posted by Ryan Reyes | March 30, 2011, 10:30 am
      • so were you able to come up with a conclusion? i’m 100% she’s having the same thoughts.

        sure thing, just search Maica Quinto and FB would navigate you to my account. 😉

        Posted by halfblotprincess | March 30, 2011, 10:34 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

i write about:

%d bloggers like this: